Wednesday, August 14, 2019

Marjuray'sblog@8integrity




      SANTO THOMAS DE VILLANUEVA CHURCH IN PARDO CEBU CITY

Image result for santo tomas de villanueva church pardo

ITINATAG BILANG PAROKYA NG DIYOSESIS NG CEBU SA PATRONATO NI SANTO 
THOMAS DE VILLANUEVA AT IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHAN YARI SA 
TABIQUE AT NIPA SA PANAHON NI PADRE DOMINGO SANCHEZ,1866.NAPINSALA
NG LINDOL,1877.IPINATAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN YARI SA BATO AYON SA
DISENYO NI DOMINGO DE ESCONDRILLAS SA PANAHON NI PADRE MANUEL IBEAS,1880-1893. MULING IPINAAYOS NI PADRE VENERANDO REYNES,1912.NAPINSALA NG LINDOL ANG BAHAGI,2013: INAYOS, 2015-2016.


Nang dahil sa pagiging malapit ni Santo Tomás de Villanueva sa mga dukha, naging napakalapit niya sa puso ng mga Pilipino. Patunay nito ang maraming simbahan sa buong kapuluan na nakatalaga sa kanya. Tunay na laganap ang kahirapan sa ating bansa, ngunit hindi ito hadlang upang maging bukas-palad. Wika nga ng Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas, walang higit ang hirap na hindi na kayang magbahagi at walang higit ang yaman na wala ng dapat pang-tanggapin. Ang mga katangian ni Santo Tomás de Villanueva ng matibay na pananalig sa Diyos, payak na pamumuhay at pakikipagkapwa tao ang naglalapit sa kanya sa ating buhay.

Alalahanin din natin na kung saan may kahirapan, naroon si Kristo at naroon ang mga halimbawa ng Ama ng mga Dukha, si Santo Tomás de Villanueva na nakasunod sa yapak ng Panginoon sa pamamagitan ng pagmamahal sa mga dukha. Narito ang isang maliit na kasaysayan ng pagkilala sa kabanalan ni Santo Tom·s ng Villanueva sa ating bayan.

Noong gawing beato si Tomás, taong 1618. Naipagawa ito ng kapilya sa kanyang karangalan sa simbahan ng San Agustin sa loob ng moong ng Intramuros. Noong 1620, ipinagbili ang nasabing kapilya kay Sebastian Ochoa de Villafranca.

Isang malaking pag-aalaala naman kay Beato Tomás de Villanueva ang ginanap ng mga prayleng Agustino noong 1624.

Taong 1882 hanggang 1884, nailimbag sa Pilipinas ang aklat na isinulat ni Santo Tomás de Villanueva na pinamagatang Sermones de la Virgen y obras castellanas.

Pangkaraniwang ipinapakilala ng bawat kongregasyon ang pamimintuho sa mga santo ng kanilang orden. Walang duda na matapos ang kanonisayon noong 1658, pinalaganap ng mga Agustino ang debosyon kay Santo Tomás de Villanueva. Patunay nito, maraming parokya na nakatayo magpahanggang sa ngayon ang iniaalay kay Santo Tomás. Isa na rito ang munting kapilya sa barrio ng Santolan na ngayon ay isa ng ganap na parokya.

Noong 1798, itinayo ang unang visita sa barrio ng Santolan, yari ito sa kahoy at kogon. Ito ay ipinagawa ng magkapatid na Don Luis at Antonio Victorino mula sa lupang alay ng kanilang ama na si Don Salvador Victorino.